Inang Sabik (Poem)

“Inang Sabik”

 

Bakit ang hirap intindihin?
Ilang beses ko nang itinatak
sa aking puso’t isipan,
na ang lahat ay may kadahilanan

Bakit hindi ko pa rin maintindihan?
Hanggang saan at ano ang kahihinatnan?
Puso’y aasa pa ba?
Or Susuko na lamang…

Ang tagal-tagal ko na itong tinitiis
Kakalimutan sandali,
Kusa rin namang magbabalik,
Itong sakit ng dibdib mararamdamang muli

Takot ay sadyang nagbabadya,
Ako pa ba’y bibiyaan pa?
Nang isang supling,
Na kaytagal ko ng hiniling.

Inggit ang namamalage,
Sa aking puso’t isipan,
sa tuwing makakarinig,
Nang iba’y may nabibiyaan.

Hanggang kailan,
Oh aking Panginoon?
Araw-araw nalang, palagi ko itong nilalabanan
Para lang makamit ang kapayapaan
Sa aking puso’t isipan.

Gustohin ko mang umiyak,
pero wala rin namang patutunguhan,
Kaya’t mag-iisip na lamang
ng ibang bagay na mapaglilibangan

Oh! Tamang Panahon,
Kailan ika’y dadating
Ako’y di na makapaghintay
sa iyo’y makapiling

Hiling ko nalang sana,
Wag na akong pahirapan pa
Nang ang dibdib ko’y hindi na sumama
at laging sumasabog sa kaba

Pero ako’y patuloy
Pa ring aasa
Na balang araw
Magkaroon din ng maganda’t
gwapong nilikha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll To Top